Tuesday, January 19, 2010

Unang Tanong


Sa anong aspeto nagkakatulad ang kasaysayan ng lumang kabihasnan ng Mesopotamia at Ehipsyo?



Dalawa sa pinakamahalagang kabihasnan na sumibol ang Mesopotamia at Ehipsyo. Naging lundayan sila ng sibilisasyon sa mundong nakalipas.

Tulad ng ilang kabihasnan, nabuo ito sa tabi ng katawan ng tubig. Ang Mesopotamia- ang Ilog Tigris at Euprates habang ang Ehipto- ang Ilog Nilo. Labis na naging makabuluhan ang mga ilog na ito. Ang Mesopotamia, ibig sabihin ay sa pagitan ng mga ilog. Habang ang Ehipto ang "Pamana ng Nile". Ang mga katubigang ito ang pinagmumulan ng kanilang pangunahing pangangailangan. Dala ng mga ilog na ito ang kinakailangang patubig para sa mga palayan. Ito rin ang nakapagbigay daan sa kanilang kalakalan.

Cuneiform at hieroglyphics. Mayroon din ang dalawang itong sistema ng pagsusulat na naging mahalaga sa pagtatala ng kabuhayan at ng mga kaganapan. Nariyan ang stone tablets at mga papyrus na parehong ginamit.


Pilit silang sinakop ng mga dayuhan. Inatake ng Persia ang Mesopotamia habng napasakamay ng Griyego ang Ehipto. Sa kinalaunan, bumagsak din ang mga imperyong ito sa kamay ng kaaway.

No comments:

Post a Comment